Monday, February 18, 2008

Pearl of the Orient Seas


Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 isla. Matatagpuan ito sa pagitan ng bansang Taiwan at Borneo. Ito ay may siyam na malalaking isla. Ang Luzon, Mindanao,Palawan, Panay,Mindoro, Samar, Negros, Leyte at Cebu.

Ang Pilipinas ay isang napakayamang bansa. Maraming bundok at kagubatan na maaaring pagkuhanan ng mga mineral at resources. May mga kapatagan na maaari din taniman ng mga puno't halaman na kayang tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Napapalibutan din ng dagat na puno ng ibat-ibang klaseng pagkaing-dagat.

Tunay ngang kay ganda ng Pilipinas. Ang ating bansa ay pinagpala ng Diyos dahil sa angking ganda at yaman nito.
Ang ibang mga bayan ay nahalina kaya't marami ang nagtangkang sakupin at sumakop sa pinakamamahal nating bayan.

No comments: